Friday, March 23, 2012


Kaya ang masasabi ko talaga, mahirap magmahal. Pero kahit gaano kahirap man, kahit gaano kasakit eh hindi ko pa din susukuan ang PAGMAMAHAL. Kung masaktan man ako, tatanggapin ko, dahil part yun ng challenge sa love, ibig sabihin lang nun may totoo akong nararamdaman sa puso ko at seryoso ako sa nararamdaman ko, dahil kung hindi man lang ako nasaktan, ibig sabihin bale wala lang lahat ng iyon sa akin. Oo masakit, pero minsan sa buhay kelangan nating maramdaman ang sakit at hirap para sa susunod na maramdaman natin ulit 'yon, alam na natin kung paano natin pagagalingin ang sakit na ating naramdaman. Sa bandang huli,Makikita naman kung paano nating nalampasan ang lahat ng sakit, at mare-realize na lang natin kung gaano katatag at katapang na tayo at kung gaano tayo kahandang magmahal ng walang takot na masaktan.

No comments:

Post a Comment